Kapag, Pagsasanay 1: Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa ) Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan isang ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas Militar (1)_______ babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa kaya't pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2) lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3)_______ dito'y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4) naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.